On Pantries as Art, and Kindness as Activism

| Written by Celeste Ann Castillo Llaneta

Ana Patricia “Patreng” Non. Photo from Patricia Non’s Facebook account.

Ana Patricia “Patreng” Non of the UP College of Fine Arts has become a household name—and if not her name itself, then the community pantry that she set up in Maginhawa Street, Diliman, during the height of the COVID lockdowns, which sparked a wave of similar free-food-for-the-poor projects across the country, with as many as 6,700 community pantries at one point nationwide. She has since reaped recognitions for this act: the Rotary Golden Wheel Award (2021), AirAsia’s First Stellar of the Year Awardee (2022), US Ambassador’s Woman of Courage Awardee (2022), among others. The now-28-year-old has also been named one of Asia’s Most Influential PH in 2021. 

All these accolades—and on the flipside, all the red-tagging, unfounded accusations of “extortion”, “terrorism” and “satanism” for some reason, and the furious campaign to discredit her and the movement she started—all for a single act of radical kindness: that of putting into practice the tenet painted on a sign hanging in her community pantry: “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.” 

Over two years since she set out her bamboo cart laden with canned goods, rice and vegetables, Patreng Non sat down with the UP Forum to talk about how her expe𓄧riences in UP led her to innovaওte this new form of activism.

 

If you were to tell your own story, how would you do it?

 

Gusto kong ikwento k♏ung ano yung relationship ko with UP. Ang college life ko ay love-hate relationship w♉ith UP. Kasi, okay, galing akong Catholic school at dream school ko ito, the best school sa Pilipinas. Tapos nag-promise ako na hindi ako magiging aktibista pagpasok ko sa UP kasi yung dalawa kong kapatid naging aktibista. 

Pero pagpasok ko sa UP, naabutan ko yung STFAP, STS, tuition fee—iba’t ibang isyu. Tapos nag-Student Council ako sa UP Fine Arts (FA), at ang una kong isyu ay yung mga security guards ng FA na love na love namin, mawawala na lang sila dahil ibang agency yung nanalo. Tapos yung mga UP staff, delayed ang mga sahod. Noong time ko, nag-aagawan ang mga estudyante sa dormitories. Yung mga transferees mula sa UP Tacloban [survivors of Super-typhoon Yolanda]na nawalan ng bahay, nawalan ng pamilya pero gusto pang mag-aral, kailangan pang i-prove na nahihirapan talaga sila para lang matanggap sa UP Diliman. Batch 2012 ako—batchmate ko si Kristel Tejada. Org-mate ko si Chad Booc. Kasama ko sa Council sina Kevin Castro at Renz Lee. Marami kaming natutunan, totoo, pero malungkot. Mahirap. Noong estudyante ako, iniisip ko minsan, “Tangina, UP, bakit mo ginagawa sa amin ito?” 

At the same time, g🎉usto ko pa ring bumalik sa UP. Gusto ko kasing mag-aral ulit. Hindi pa ako💟 actually graduate sa FA, may ilang units pa akong natira. Kinailangan kong tumigil sa pag-aaral noon dahil kailangang kumita. At na-diagnose ako with depression kaya din ako tumigil sa pag-aaral.

Gusto kong ikwento kung ꧃paano ako nag-survive sa college. Na kapag walang perang pambaon kasi mahal ang materials sa FA, pupun🦄ta ako sa bakery at 6 AM bago magklase at bibili ako ng meringue at toasted siopao. Tapos maglalako ako sa mga klase ko sa AS (Palma Hall), sa FA, sa mga GE classes. Pero magde-dress at boots ako para hindi ako mukhang kawawa. Na minsan bibili ako ng isang kilong saging sa KNL at buong araw dala ko yung saging dahil yan lang ang pagkain ko. At kapag desperate na ako, anim na Milo sachets—breakfast, lunch, dinner. Na di ako makapag-aral nang maayos dahil puro raket ako, kaya hindi ako naka-graduate. 

Doon sa UP na-develop yung lungkot. But at the same time, doon ko na-develop yung sense of empathy. Noong nag-pandemic, alam ko yung gagawin ko sa community pantry kasi na-train ako sa UP na kailangang tulong-tulong tayo. Yung collective action, di lang siya dogmatic phrase. Kailangan siyang gawin. Natuto talaga ako. At siguro kaya ko nagawa yung pantry kasi ganon yung mga exp🐎eriences ko sa UP.

 

How do you define activism?

 

Nag-iba na kung paano ko dinefine ang activism noong mas bata ako. Kung ide-define ko ang activism noon, ito yung ibibigay mo yung buhay mo, magsa-s🐼akripisyo ka.  

Ngayon, sa tingin ko: activism is a way of life. We empower other people. Oo, nakakaawa kung nakakaawa, pero hindi dapat nagtatapos sa awa. I-celebrate natin yung kakayahan ng mga taong mag-serve. At dapat ganon din sa mga aktibista—i-celebrate natin yung kakayahan natin. Kaya ko gusto yung community pantry, yung pagbigay ayon sa kakayahan, kasi respectful ito sa kung ano ang kakayahan ng tao and sine-celebrate ‘yon. Kung lahat tayo ay may maliit na ambag, maliit naඣ kontribusyon, may mararating tayo.

 

What are your insights from running the community pantry?

 
The pioneering community pantry cart at Maginhawa Street, Teachers Village East, Quezon City. Written above the cart is a line in Filipino which translates to “from each according to one’s ability, to each according to one’s need.” Photo from Patricia Non’s Facebook account.

Sa totoo lang, wala akong sense of ownership sa idea ng community pantry. Kasi para syang artwork. Di ba, pag nag labas ka ng painting o sculpture, bahala na yung audience na magsabi kung ano sya? Ang community pantry, para syang artwork na binigay mo sa audience. Pwedeng uy, blessing yung artwork para sa audience, or superspreader event sya, or about kindness sya, or about activism. Kung tungkol ito sa pagiging communist, pwede rin. Hindi ko pine-personal because it’s not about me, it’s about them. Tungkol ito sa kung ano ang reflection ng pantry sa kanila. Ito yung truth nila. 

Ako, may sarili akong truth kung bakit ginawa ko ito. Laging tinatanong yan sa akin sa interviews: “Ang galing mo, ano? Ginawa mo yung pantry kasi kailangan ito ng mga tao.” Pero ang sinasabi ko: “Hindi po. Kaya ko ginawa yung pantry kasi kailangan ko ito. Kailangan ko ng closure for myself.”

Yun din ang gift ng pag-experience ko ng gutom, ng pagiging galing sa kahirapan, ng pagiging desperate sa college na makap🐈ag-aral lang nang maayos. Kaya ngayon, ayoko ng nagugutom. Kay꧒a naisip ko yung pantry. 

Na-realize ko din na ang daling i-hate ng mga Pilipino ang isa’t isa. Ang dali nating sisihin o i-persecute ang kapwa Pinoy. Pero may isang time na wala nang donation sa pantry, may mga farmers mula sa Nueva Ecija na nagdala ng kamote para sa pantry. Hirap na hirap sila, pero kaya nilang magbigay. Tumatak sa akin yon. Mula sa masa, tungo sa masa—kung sino ang hirap na hirap, sila ang magbibigay kasi alam nila. 

Yan yung pinaka-proud ako tungkol sa pantry. Kwento ito ng mga simpleng tao—magsasaka, mangingisda, LGBT communities… Isa ang LGBT community sa mga unang nagtayo ng pantry, at may hotline, contraceptives, at HIV testing pa sa pantries nila. Hindi nakukulong sa isang form lang ang mutual aid. Pwedeng sa iba-ibang paraan yung ambag natin. At ang pantry, concept sya ng bayanihan. Lahat tayo ay nagbubuhat ng bahay kahit hindi natin ito bahay. At yung mga taong hindi kayang magbuhat, sila ang naghahanda sa next location, naghahakot, naglilinis, nagdadala ng mga gamit. May kanya-kanyang ambag.

 

What about the red-tagging and information campaign to discredit you?

 

Noong na-red-tag ako, doon ko natutunan na ang magliligtas pala sa iyo ay honesty. Kasi kung hindi ka maging honest, kunꦆg may pino-roject kang image, magkakamali ka lang. 

May time noong nare-red tag yung pantries na oo, takot ako noon pero alam mo? Meron din akong certain level of strength, na “ay, nagkamali sila ng kinalaban.” Siguro three or four years ago, kung na-red tag ako iiyak ako, maglulupasay at magagalit ako. Pero ngayon, at peace na ako sa sarili ko. May fear pa din—di okey, may fear. At sinabi ko sa pamilya ko na kung may mangyari sa akin, ako pa rin ang may control.

Ang community pantry, katulad ng activism, ang hirap-hirap nya. Mahirap syang i-sustain, nakakapagod sya, nakakapuyat, tapos nare-red tag ako. Ang daming challenges, per💮o sa totoo lang, ang dami niyang magandang kwento na hindi ko rin ipagpapalit. Ang dami kong natutunan. Kaya ngayon, kung babalik ako sa UP, ready na ako kasi mas kalmado na ako ngayon. Alam ko na magulo ang mundo, at hindi pa rin perfect ang UP. Pero babalik ako kasi hindi na sya about me. At maghanda din ang UP kasi mas wise na ako. Alam ko na kung sinong sisingilin ko ngayon. 

 

What can you say to the young people who go through the same struggles?

 

Noong time ng pantry, may isang UP professor na nag-invite sa aking magsalita sa klase. Tanong ng isang estudyante: “Anong advice niyo po sa amin kung nahihirapan kami?” Sabi ko: “Kung nahihirapan kayo, pakinggan niyo sarili niyo.”

Isa pang advice ko sa estudyante ngayon: Ang laban, nasa community. Plus points lang ang social media. Kasi ang pag-unlad, hindi lang para sa sarili. Ang pag-unlad ay tungkol sa community. Mabigat kung mabigat, pero hindi naman kailangang in one day or one month or one year maso-solusyona🌊n yung problema. Activism is a way of life. Kaya magpa💖hinga kung kailangan, magbigay ayon sa kakayahan, at hwag nating iisipin ever na mag-isa tayo kasi totoong may community. Malaki ang community.

 

What does it say about the world, about us, that loving ourselves and loving the community is considered activism? Just a thought…

 

Parang weirౠd sya pero kailangan, eh. Syempre maganda kung sustainable ang mga pantries, pero wala akong nire-require sa mga ibang pantry organizers. Kung ano yung ginagawa nila, kung ano ang binibigay nila, more than enough na ito. Thankful na ako doon. Ang mahalaga ay ang mga tao, hindi yung output nila. Ang mahalaga yung kakayahan nila, yung kaya nilang ibigay sa ngayon. At okey na okey na yon.

Community pantries in the midst of the pandemic. Photos from Patricia Non’s Facebook account.

Email the author at royal cassino:upforum@fortuneox888.co.

Read moreroyal cassino: articles from the UP FORUM

Read more about activism in UP via these links: